"Know Me Better"

Saturday, November 25, 2006

wah! e2 na nman ako!

huhu! nag-uumpisa na naman ako sa bisyo ko, long time ago! kaka-adik naman kasi!hehe.. Kaso mabigat talaga sa bulsa eh, 100pesos per week ang gastos bale 200pesos! Ubos ang allowance ko!hehe... pero ok lang naman diba as long na hindi masisisra at di ko mapapabayaan studies ko!hehe...ganun nman ang ginagawa ko... as of now, hindi ko alam kung papaano ko pagtatagpuin ang aking mga ka-group sa aming CHRISTMAS LANTERN CONTEST sa school namin, iba-iba kasi ang sked namin, may pang-hapon, may pang umaga, at mayroon ding tths lang ang pasok, hayz!Yung iba nman parang walang paki-alam sa nangyayari sa paligid nila, basta na nga lang nakahingi ng baon at pumasok!hayz.. Tapos last, kahapon, pinasabi ko sa representative ng first year na matutuloy na ang aming publication, pero ang report sa akin, alam nyo ba kung ano?? hindi daw sya pinansin! DEADMA as in!wah... hay naku. walang kooperasyon. Mabibilang mo sa daliri ang nakiki-cooperate T_T..



Saturday, November 18, 2006

ang school mag!

e2 na nman ako! biglang lumitaw, lulubog lilitaw! kasi nman ang daming ginagawa. Meron pa akong aasikasuhing School Mag namin, kailangan na kasing ma-release yun by December or January, at hanggang ngayon eh wala pa kaming editorial staff, hehe! Actually, meron na talaga kaya lang eh yung iba, tumugil na at yung iba naman hindi ko alam kung interesado pa silang sumali.. matagal na naming plano yun, di lang namin naharap last sem kasi nga busy kaming lahat. Kaya by Monday maumpisahan na namin, madami naman aspiring writers sa school eh, wala lang lakas ng loob ilabas ang kanilang talent..ako? wala akong talent dyan, hehe! ako lang na-assign na mag-asikaso nun, pero wala akong balak sumali as staff writer o kung ano pa man, siguro matutulungan ko sila sa paglalay-out, yun lang kasi alam ko!hehe, hindi nman ako magaling magsulat, mag-post nga hindi ako magaling, mag-compose pa ng kung ano-ano! nakakapag-compose lang ako pag may inspiration, kaso wala ako nun eh, kaya sorry nalang! nyahaha!!


Monday, November 13, 2006

ako..ako..ako..

anung connect? wala lang akong maisip na title ng post ko kaya yan nalang! medyo badtrip lang ako ngayong araw na ito, hindi ko alam kung bakit pero pag-gising ko kaninang umaga biglang ayaw ko nang magsalita ng kahit ano, I WANT TO BE ALONE!hmm... bakit nga ba? maybe because, i woke up at the wrong side of the bed or dahil din sa dami ng problem, financially and sa family, at kung ano yung mga yun?? many to mention! maaga nalang akong pumasok para kahit papaano eh , makalimot sa mga problema, pero ganun pa din, wala pa rin ako sa mood makipag-usap, kay pati ang exam namin sa soft02 eh affected na rin, wala kasing pumasok sa yutak ko habang nag-aaral ako. Pero ngayon, medyo ok na, MOOOOOODY....bakit ko nga ba poproblemahin ang problema? hayaan ko nalang ang problema ang mamroblema sa akin, nyahaha!

NETWORK CONNECTION... magagamit ko pinag-aaralan namin dito kasi after graduation balak ko magtayo ng computer shop with my KUYA, siya mamumuhunan at ako nman ang tagapangasiwa, hanap na daw ako ng pwesto at papadala daw sa akin ang specs ng computer doon. dun nya kasi balak bumili kasi daw mura doon at FLAT SCREEN pa ang monitor, diba sosyal?? Pero hanggang ngayon eh wala pang pinapadala, sana lang hindi drawing na walang kulay yun, if ever na drawing nga, solo ko nalang! my mga computer loan nman na ngayon ehh!hehe


Sunday, November 05, 2006


welcome back...

hahaha! tagal ko nawala ah! nag bisibishan ako! hehe... kung saan?? sa ragnarok!wahaha... ang tagal ko na rin kasing hindi naglalaro, inamag na character ko, di na nakapag-level up, nyahaha! pero now, BOT mode ako! hmm.... ano ba bago sa akin?? wala nman yata, dito lang ako sa bahay na whole sem break namin at bukas pasukan na naman, pero hindi ko alam kung makakapasok ako, di pa kasi ako enroll, T_T! ang mahal kasi ngayon ng down payment P1900, dati nman 300 lang yun ehh! di ko tuloy lam kung san ako kukuha ng 1900, wah! paaaaaaaaaaaauuuuuuuuuuuuttttttttttaaaaaaaaaaaaannnnnnnnnnnnngggg!!hehe... uhm!! salamat nga pala sa dumalaw sa blog ko kahit walang updates! kasi ng busy(daw) ako, baka matagalan ulit ako bago makapag-post! pero my iiwan akong question para sa inyo...


KUNG MAY ISANG TANONG KAYONG ITATANONG SA AKIN, ANO YUN?? ^_~