"Know Me Better"

Friday, September 29, 2006

wah..di ako nakapag-post kahapon!!

kasi nga wala kaming kuryente, buong batangas wala yata! dahil sa bagyong milenyo, kanina lang nagkaroon ng ilaw!

maghapon akong walang magawa kahapon, kundi matulog at magtext! buti nalang nag-load si ate badz, hehe! isa pang kaso ulit sinumpong ang cp nya at sa kasawiang palad eh, nag-lobat nman! hayz, from 12 noon onwards, pa-uli-uli ako, nagpicture-picture with my pamangkin and batotoy, hehe! lahat na yata napagtripan ko! wahehe, grabeh ang epekto ng walang ilaw, kakamatay ang boring!

===============('',)===============


at 8pm nagtext na ko kay miss gega, at nagkausap naman kami, madami kaming napag-usapan, bout sa amin kahit na 2bars nlang ang bat ng cp ko, umabot pa kami ng hanggang 11pm, pero 12 n ko naka2log kasi inisip ko pa lahat ng mag sinabi nya at ang sitwasyon naming dalawa! hehe

===============(",)===============







Tuesday, September 26, 2006


another day of posting...

Ang tagal namin walang pasok, 2weeks eh! kakaboring dito sa bahay, buti nalang my internet na dito di na ko gaanong maiinip..

==========(,")==========


si ate... hindi kami gaanong close in the first day ng skul, kasi nga hindi naman ako pala-imik noon at suplado din ako!hehe,, kailan nga ba kami naging close?di ko na matandaan, basta alam ko mag-midnight na nun, hehe! hindi ko lam, kung bakit naging ate tawag ko sa kanya, siguro wala akong ateng matino, lahat ng ate ko, puro ewan (maliban sa kanya)... sobrang lambing ng ate kong 2, hehe! kaya swerte magiging bf nya, bkit kasi yaw pa mgkaroon ng bf?nandyan nman si _____ at si ______ (peace tayo ate, bait ako!!),,pero seriously, ang magiging bf nya, hindi magsisisi, kasi package nga, mabait na, malambing, bonus pa ung cutie at higit sa lahat ang ganda ng buhok, hehe!! ayan ate ko... Thanks sa lahat ate, pag nagka-bf ka, let me know ok?para makaliskisan,joke!


Monday, September 25, 2006

"I Live My Life for You"




"I live my life for you
I wanna be by your side in everything that you do
And if there's only one thing you can believe is true
I live my life for you"








Natapos na din...

tapos na ang sportfest, back to normal class na sila, kami kasi walang pasok for two weeks, ang tagal nun. pero punta ko ng skul, para makita sya, hehe..

about sa sportfest, overall champion kami, wahaha! akala ko nung una eh, mahina team namin, kasi nman hindi ko gaano kakilala yung mga player, magagaling pala, hehe! thnx sa kanila... ako iisa lang ang sinalihan ko, typing at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nanalo ako, hehe.. mabilis din kasi ung sa red kaya ang alam ko yun ang mananalo.




Monday, September 18, 2006



SpOrTFeSt, AnG SiMuLa...

hmm..masaya nman kasi lang hindi kami masyado nakapag-prepared ng mga gagawin. sabi 8 ang umpisa pero 9 na kakaunti pa lang ang studyante kaya napagdesisyunan ng aming mga instructor na sa school nlang ganapin ang mga indoor games, at nagpunta nga ang mga kasali (essay writing contest, poster making, at typing), sumali ako sa typing kaso ang dami kong mali at ang bagal ko, hindi ko alam kung may pag-asa pang manalo yun, palagay ko wala ehehe... at 1pm na nga nag-umpisa ang aming program at natapos ng 4pm... nakakapgo lang kasi, ang daming ayaw makisam, pa-VIP, ayaw sumali kahit may talent sila, buti nalang kakaunti lang sila at yung iba, nakikisama naman, sana bukas eh makisama na lahat para naman maging maayos...^_~


Sunday, September 17, 2006

SpOrTfEsT nA...

sporfest na sa monday, natapos ko ng imeeting aking mga group mates kahapon kahit yung iba eh parang walang interes, yaw sumali kaya pinabayaan ko nalang sila, basta ginawa ko ang aking tungkulin. hindi naman ako maglalaro eh, hindi ako sporty kasi, hehe! typing lang siguro sasalihan ko, ayaw pa akong isali at mabilis daw akong mag-type, hindi nman, dutdut system nga ang ginagamit ko eh, hindi ko alam gamitin ang home key, hehe...bahala na sa monday, kung ayaw talaga nila eh di hahanap nalang ako ng substitute, nandyan naman si ate badz, mabilis din nman sya magtype (nakapasa nga sa TESDA, ^_~). For muse, 3 pa ang pinagpipilian at isa dun si ate, yaw naman pumayag sa hindi ko malamang kadahilanan, ok nman lahat, konting practice at pang-rampa na, nu sinabi ni Miss Icon, hehe... anywayz, pag wala talaga sa dalawa si ate pipilitin ko, wahehe...


Thursday, September 14, 2006

another day...

Hindi nman masyado nakakapgod ang araw na ito dahil, wala kaming PE, pero nag-test kami sa walang kamatayang LOGIC FORMULATION, hindi din nman msyado mahirap kaso hindi na-checkan kasi di pa ako nakakabayad ng tuition fee, wala pang ena eh, hehe.. cguro bukas baka sakali o baka sa monday na... kahit na wala kaming PE, hapon pa din ako nakauwi, nagmeeting kami with my team (Black Team) and sa SG, sportfest na kasi next week, wala ng gaanong time kaya hindi na kami magpapatatak ng T-shirt, astig sana kung meron!hehe, pero ok lang, gipit nga nman kaya, magblack shirt nlang! ok na sana lahat sa sportfest!^^

=============================================

--P A T A L A S T A S --






Tuesday, September 12, 2006

tuesday...

kapagd araw na 'to, kapagod sa katawan at kapagod din sa yutak! hehe,, ang daming gawain eh, enjoy sa badmenton kaya kapagod sa katawan at masakit sa yutak dahil ng LOGIC FORMULATION, daming machine problem, di ko pa nagagawa lahat!huhu, ang hirap naman kasi, nakakapiga talaga ng yutak, nung una medyo madali lang, pero habang tumatagal eh pahirap ng parihar lalo na si FABONACCI, hindi ko talaga alam kung paano gagawin yun, ang hirap gawan ng program (ma'am grace, hindi ga pong pedeng palitan nlang si FABONACCI??hehe)... medyo madami pa akong di nagagawang MP, sana lang sa thursday eh matapos ko na lahat, para nman pumasa, kahit pasang awa, hehe...

till then...


Monday, September 11, 2006



ang aming munting anghel....

matagal na rin sa amin si batotoy, my 3months na yata, pinaampon sa amin!hehe, anak siya ng pinsan ko, hindi pa kinukuha eh, pero mas mabuti yun, may baby kami sa bahay!...

gusto ko ganito ka-gwapo ang magiging anak ko!!


malilikot kong kmay!!

lingo ng hapon ng ikabit na sa wakas ang aming internet, smart bro, astig!!hehe,, sa kasamaang palad, mababa ang aming bahay kaya hirap humanap ng signal, puro puno daw(anong connect??)...di hindi ako nagamit mula 6pm hanggang kaninang umaga, kasi nga walang connectionkaninag umaga, hindi pa ako nakakamumog, sa pamamagitan ng malikot kong kamay eh pinaki-alaman ko ang IP address at baka dun lamang ang problema, kaso lalong nawala ang connection, wahh!di tawag naman ako sa smart, aba at pina-ikotikot ako sa command prompt at sa network connection, nainis na ako, kaya wala ako sa mood ngayong maghapon... at kanina pagdating ko, may nagamit ng computer, syempre hindi ko ulit makukutikot ang IP, naghintay ako, at ngayon.... wahaha,, sa pamamagitan ulit ng aking malilikot na kamay, nagawa ko!nyahaha

kaya mula ngayon, lagi na ako magpopost!!^^


Wednesday, September 06, 2006

tagal na din!

hmm... wala naman masyadong interesting nangyari sa akin this past few days, boring kasi life ko ehh, hehe!

last week, nakatanggap ako ng letter from my x, di ko lam kung bakit bigla nyang naisipan na sumulat, pero binasa ko pa rin kahit na nagulat ako(2 years na kaya un), and she says na di daw nya lam kung my gf na ko or family(mukha ba akong pamilyado na?), and hanggang ngayon daw eh di daw ako matanggal sa isip nya, napaisip ako kung maniniwala ba ako o hindi, kasi naman ang tagal na at kahit minsan eh hindi pa kami nagkikita, she's from bataan at ako nman batangas, kahit pa sabihing we're at the same sky, malayo pa din yun! di pa daw xa nagkakaroon ng bf since our break-up, para nmang hindi kapanipaniwala diba?

at the same week, nagtext naman yung last gf ko, hayz! same week pa, hehe! nangungumusta lang nman sya at happy na rin naman sya with her PAPI, hehe!(Ganda ng endearment nila), and sinagot ko na lahat ng mga questions nya, di ko lang alam kung ok na sa kanya ung mga sagot na yun... as of now, were fwends, posible nman pala yun "x lovers became friends", masaya na ako for her! sana lang di na sya uminom^^

till next tym-----