"Know Me Better"

Thursday, October 26, 2006

"samut sari"

matagal na nman akong nawala, kasi wala nman akong mai-post na bago kasi nandito lang nman ako sa bahay this past few days kaya nothing interesting na nangyari sa akin. kasi nga sembreak na, lalo na siguro sa mga susunod na araw noh? baka 2weeks akong walang post, hehe!

alas-otso ng umaga gumayak na ako kasi kuhanan ng ng aming classcards, yehey! at last makikita ko na ang aking mga marka, dinadalangin ko na walang bagsak, hehe! ang hirap kaya mag-ulit, baka imbis na 2years lang kors ko eh maging 3years, hehe! the time is come na kukuhanin ko na ang aking classcards, kabado syempre kasi baka nga may 3 or 5 ako, katakot! at nakita ko na nga ang aking mga marka, 5 subjects lang ang nakuha ko, kasi yung isa di pa yata tapos ni mam tekz busy kasi siya with her seminar sa TESDA, at yung dalawa, hindi ko alam, yung isa hindi nagpapakita eh, di pa nga napipirmahan clearance ko. ok nman ang 5 subjects na yun, 1.25, 1.75, at 2 ang marka, not bad diba? yun lang nakayanan eh, hehe... sana sa remaining 3 subjects eh wala akong failed. sa pasukan ko na kukuhanin yun, tutal naman mukhang di ko rin nman makukuha yun kahit na pumunta ako dun, kasi nga wala mga instructor at tsaka wala na akong pamasahe papuntang skul, 20 pesos din yun! kaya sa madaling sabi, last day ko ngayon sa school at next sem na ulit kami magkikita-kita, mukhang mababawasan pa yata kasi madaming titigil kasi wala ng pang tuition, hayz! 6 months nalang eh graduate na kami (sana maka-graduate), masasayang nman kung titigil lang! kami nga din medyo nagigipin na, naghihirap na, hehe! hirap ng buhay dito sa pilipinas! pag ako naka-graduate, migrate agad ako! wahaha... anywayz, kita-kitz nalang tayo guyz next sem, hope to enjoy our last sem sa ating mahal na alma mater, hehe! i will miss you guyz!

==========('',)==========
as update ulit, kanina may nalaman ako! mahirap tanggapin yung sinabi pero kailangan. nalaman ko na kaya lang pala sya bumalik or nagtetext ulit sa akin kasi naaawa lang sya, matagal na pala syang naguguilty at nahihirapan. ang sa akin lang nman eh dapat sinabi nya sa akin na naaawa lang sya sa akin kaya siya bumalik (ilang beses na rin kasi syang umiwas pagkatapos babawiin, ang dahilan nakikita nyang malungkot ako the day after nyang sabihin sa akin yun.) di ba unfair nman sa akin yun, ang alam ko kasi bumalik sya kasi she loves me, hindi pala, nakakadisappoint lang, ang dami ko pang nalaman kanina, kaya nga hindi ko sya pinansin nung pauwi ako at hindi ko na rin sya tine-text. pag-naaalala ko yung mga nalaman ko, it hurts talaga, kasi hindi ko akalain na ganun pala. siguro right time na 'tong sem-break na to 4get what i feel for her, hindi nga sapat yung time na yun pero makakatulong yun para maka-pag move-on na ako. tutal naman yun din nman pala ang plan nya eh, uunahan ko na sya! may promise pa nga syang sinulat "hindi ako iiwas, promise", hindi nman pala tunay, ngayon ko napatunayan ang kasabihan na "PROMISES ARE MENT TO BE BROKEN"... ang for you kung mabasa mo man 'to thank you nalang! ciao


Saturday, October 21, 2006

L I N D O L

Niyanig kami kagabi ng lindol, hindi nman sya masyadong malakas kasi 4.5 lang nman, pero kakatakot, medyo matagal kasi yung una, siguro mga 20seconds yun, nsa taas pa man din ako, kahihiga ko lang at medyo napapapikit na (kahit na may katext pa), maya-maya pa ay umuuga na ang aking kama, kala ko nman minumulto ako, hehe! yun pala lumilindol na, di syempre nagising ako, tumayo pa nga ako, at ang pangalawang atake ay kaninang umaga mga 6am siguro, kagigising ko lang at medyo antok pa, pero ng lumindol nagising ako ng tuluyan, hehe! at ang 2 magkasunod eh nasa school ako, habang kami ay abala sa pag-foformat ng pc sa lab. actually, hindi ko sya gaanong naramdaman, nalaman ko lang kasi umuuga ng computer table sa lab, kala ko minumulto na ulit kami (hindi nman halatang takot ako sa mumu ano?hehe), yun pala lumilindol na, ganun din yung pang apat. ang sabi sa balita eh, 6 earthquakes daw, pero 4 lang nman naramdaman ko,. baka madaling araw na yun at kasalukuyang nananaginip tungkol sa knya, hehe! basta, sana kung may mga aftershocks pa eh, ganun na lamang kahina, WALA KASI KAMING FLASHLIGHTS, ang hirap kaya ng walang ilaw!hehe


Thursday, October 19, 2006


another day..

waaah! malapit na kuhanan ng aming classcard, wahehe! wish ko lang wala akong bagsak, hehe. sa tingin ko nman wala. last exam kasi namin sa elec03 eh medyo mahirap, wala nga yata akong itinama doon, di naman kasi ako nag-aral, kakaunti pinag-aralan ko, tapos wala pa dun sa test ang pinag-aralan ko, anong saklap tlaga, kaya ako naman eh nagpanggap na lamang na may alam para hindi halata, hehe! nagyon, hinihintay na lamang namin ang finals for elec03, interesting ang finals namin, aayusin namin ang aming computer lab, wahehe! aayusin ang mga sirang components, hehe! di ba interesting? hindi kakabgot, kasi laging may ginagawa, nagkukutkot ng kung ano-anong components ng computer (sana lang hindi namin masira), hehe! pero based sa ginagawa namin now wala pa naman kaming nasisira, hehe!

as update, ok na ulit kami ngayon, back to normal, malapit na ang sembreak at hindi na ulit kami makikita, 2weeks din yun, buti sana kung pumayag sya na lumabas with me, pero sa tingin ko hindi yun papayag, magaling na yung ganun ang inaasahan kaysa nman madisappoint na nman ako! hehe



Monday, October 16, 2006

walang pumasok!

hindi ko lam kung ano i-popost ko now, kasi wala nman interesting na nangyari sa akin this past few days...hmm, let me see! malapit na ang aming sem-break, last one week, wala na nman pasok! kakainip sa bahay, walang gagawin! maghpon sa harap ng pc, magchachat, pero minsan kakasawa din eh, walang matinong kausap, laging gusto eh gwapo ang kachat eh wala nman ako nun kaya pinag-tatapusan eh wala akong nakakachat, hehe! tama bang apihin ang sarili?pero totoo nman diba? kaya nga siguro, matutulog na lang ako sa darating na bakasyon at baka tumaba pa ako, isang kabang bigas lang yata ang timbang ko ehh( my coins pa un sa bulsa), kung maitim-itim lang ako ng kaunti, poste na ng meralco! wahehe

===============('',)===============


october 12, 2006, 11:58pm, hindi ko alam pero nagulat talaga ako sa sinabi nya, "gudnyt, 2log na ako! switdrims" reply nman ako, "ok cge, nyt", after a minute nagtext ulit ang sabi "iiwas na aq!kaw din...", hindi kaagad na-absorb ng utak ko ung sinabi nyang yun sa akin, kasi nga bigla. hindi ko na tinanong ang reason kung bakit at baka lalo lang ako masaktan, kaya sabi ko "ok"... kinabukasan october 13, 2006, syempre wala ako sa mood makipag-usap because of wat happen nga, pumasok ako ng maaga at nagkulong sa room namin, ako lang mag-isa, yaw ko magpaistorbo at ayaw ko din ng kausap, siguro after ng mga 30mins, pumasok sya, sinauli ang CD na pinahiram ko sa kanya, hindi ko pinansin, hindi ko nga tiningnan, basta yaw ko muna sya makita that day. after 15mins ulit, pumasok ulit, tinanong nya ako kung ok lang daw ako?(kahit lam nya na hindi),inamin ko sa kanya na hindi ako ok ang sagot "dahil ko ba?", tango lang ang aking sinagot, habang nandun sya, nakatakip ang aking kamay sa aking mata dahil nga ayaw ko muna sya makita! maya-maya, siguro nainip kasi nga hindi nya ako makausap ng matino, sabi ko nalng sa kanya na "bukas magiging ok din ako" kaya umalis nalang sya. hindi talaga ako ok nung araw na un, after class punta ako kila ate to install anti-virus and photoshop, after 30mins umuwi na ako and sakto rin silang palabas ng skul, nakita ko sila, inunahan ko pra hindi kami mag-kita (muntik pa nga ako mabunggo, di kasi ako lumingon sa likod,hehe).. october 14, 2006, sinubukan ko magpretend kasi ang alam ko un ang gus2 nya, sinunod ko lang, ang hindi ko alam mas lalo pala syang nasasaktan kasi ok ako, iniisip nya na ok na sa akin yung ginawa nya na pag-iwas. hindi ko alam yun kaya ganun ako mag-hapon, nagppretend na ok kahit hindi! kinagabihan, nagtext sya ng qoutes at nag-reply nman ako ''kala ko ba..." ang reply ko "hindi ko kaya..." reply nya, "what do you mean?" tanong ko ulit, "hindi ko kayang umiwas" sabi nya, syempre in my heart masaya ako kahit papaano nagbalik sya, kahit hindi sya tottaly na sa akin masaya pa din ako kasi nandyan sya at sinusuklian kahit papaano ung luv na binigigay ko sa kanya.. hindi man kami mag-kausap ng madalas at sa text ko lang nsasabi ang mga gus2 ko sabihin, sana nararamdaman nya!

wala lang sinabi ko lang--- thnx sa pagbasa


Tuesday, October 10, 2006


birthday nya!!

hmm... actually, siningit ko lang ito kasi wala ako ma-ipost tungkol sa akin, kaya ito nlang.. FYI nlang... October 7, 2006, hindi ko nga alam na e2 pala ang birthday nya, naalala ko lang kinabukasan kasi pinaalala sa akin ng aking mahal na ina. hindi nman kasi importante sa akin kung kailan ang birthday nya, ako nga hindi nya naalala birthday ko, ako pa makaalala sa birthday nya, kung baga wala na kaming paki-alamanan, wala na syang paki-alam sa akin at ganun din nman ako sa kanya! ganun nman sya simula pa lang ehh, kahit nga nagkikita kami bihira kami mag-usap at hindi kami close, pero minsan gus2 ko mapalapit sa kanya, hindi ko lang alam kung ganun din sya, sa tingin ko hindi ganun ang gus2 nya! mas gus2 nya na ganito na lang ang set-up namin, tutal nman masaya na sya kung anong meron sya at masaya na din ako kung anong meron ako ngayon! wala na yatang paki-alam sa amin ang aking AMA...


Saturday, October 07, 2006

hayz!

medyo matagal na din akong walang post ah, ganun pa din, wala nman kasing interesting na nangyayari sa aking kabuhayan ta medyo tinatamad na din akong mag-blog, ewan ko ba! hehe,, pero siguro magpopost pa din ako kahit man lang once a week or once a month, gamitin ko nalang 2 as medium for my feelings kung wala talaga akong masabihan! yun lang nman talaga ang purpose ko kaya ako nag-blog nung una except na ito ang aming lesson and proj! hanggang sa nahiligan ko na nga magpost! pano ba yan, di kita-kit's nalang sa next post ko!

===============(",)===============


kanina magkasama kami ni miss gega from 2pm till 4pm sa laurel park (with shina ang her bf)..la lang, masaya lang kasi nakapag-usap kami ng ayos at nasabi ko na sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin ang.... tsaka nyo na malalaman kung ano yun!hehe

till next tym! CIAO


Monday, October 02, 2006

salamat at naayos ko din!!

almost 2days kaming walang internet, kasi naman hindi ko alam kung ang smart ang may problema o talagang ang pc ko lang ang prob, home edition lang kasi to, kaya ang ginawa ko nag-format ako at pinalitan ko ng OS, windows XP pro sp3, sana lang this time eh, maaus na! pagkatapos ko ma-format, di nman nabasa ang LAN card ko, nagkapatong-patong ang malas ko ngayong araw na to... bukod pa ang pumasok ako ng may dalang raketa, yun naman wala nman pala kaming PE, malas talaga! hindi pa doon natatapos ang lahat, bumili ako ng spare battery charger for my cp kasi nga 2 ang bat ko, nag-isinaksak ko ang dakilang charger, pumutok! awtz, ang saklap, di ibabalik ko pa yun bukas kasi lugi nman ako diba?? at meron pang isa, hindi ako makapag-reg sa unli, waaah! di ko matetext si ____, huhu! ang malas talaga ang araw na to, sana lang bago ako matulog eh walang mangyaring kamalasan at baka kung ano na magawa ko!hehe ^_~