"Know Me Better"

Sunday, December 24, 2006

merry christmas!!


SA LAHAT,

MERRY CHRISTMAS PO AND HAPPY NEW YEAR!!


Friday, December 15, 2006

ME, MYSELF, I!!

hindi nman masyado, ilang araw (lingo ba??) lang nman akon nawala ah, medyo may pinagkakaabalahan lang kasi ako ngayon, at meron pa kaming feasibility study na hindi ko alam kung paano ang gagawin, pati ang aking publication, di ko na naaasikaso!huhu,, hectic ang schedule. kaya nga hindi muna ako nag-OJT at baka hindi na kayanin ng aking manipis na katawan, wahaha! Sa kabila ng lahat may time pa rin naman akong mag-break, katulad na lamang sa darating na 19, weeeeeeeeeee!! outing kami, christmas party ng school, masaya yun, balak nila mag-overnight pero ako? hindi ako sigurado, medyo kulang kasi ako sa tulog this past few days (masarap kayang matulog sa sarili mong kama)...hmm...ano pa ba?walang latest maliban sa sandamak na problema, hindi nman nawawala yun eh, bagkus nadadagdagan pa!hay ang buhay, buhay pa din!wakocoke!!

sa iyo,

hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sayo gayong hindi nman tayo nag-uusap ng madalas at bihira na lang tayong magkita. matagal ko nang gustong sabihin sayo ito, subalit hindi lamang ako bigyan ng sapat na lakas ng loob para ipagtapat sayo. Marahil ay hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo, pero alam kong darating din ang panahon na maririnig mo mula sa aking mga labi ang aking mga nais sabihin sa iyo. Sana lang sa pagdating ng panahong yaon ay handa kang makinig at intindihin kung ano man ang nais kong sabihin sa iyo.

rai


Saturday, December 02, 2006


SMP...


hehe! malapit na naman ang pasko!hayzz,, isa na ako sa SMP(samahang malamig ang pasko)... sadya naman malamig ang pasko kaya ok lang, wala nman sa aking kahit malamig ang pasko ko eh, my kumot naman, mag-kukumot na lamang ako, mas makapal pa, mas mainit! hindi nga lang nalaban, wahaha!(BAD).. Basta, dadating din tayo sa panahong yan, all i have to do is searh for the right person who deserve my love and care ( ang drama!nyahaha..), meron pa kaya nun?? Pero sa nagyon sarili ko muna ang ka-i love u ko and ka-i miss you ko! pede naman un diba? di I LOVE ME o kaya I MISS ME, wahaha...