"Know Me Better"

Thursday, October 26, 2006

"samut sari"

matagal na nman akong nawala, kasi wala nman akong mai-post na bago kasi nandito lang nman ako sa bahay this past few days kaya nothing interesting na nangyari sa akin. kasi nga sembreak na, lalo na siguro sa mga susunod na araw noh? baka 2weeks akong walang post, hehe!

alas-otso ng umaga gumayak na ako kasi kuhanan ng ng aming classcards, yehey! at last makikita ko na ang aking mga marka, dinadalangin ko na walang bagsak, hehe! ang hirap kaya mag-ulit, baka imbis na 2years lang kors ko eh maging 3years, hehe! the time is come na kukuhanin ko na ang aking classcards, kabado syempre kasi baka nga may 3 or 5 ako, katakot! at nakita ko na nga ang aking mga marka, 5 subjects lang ang nakuha ko, kasi yung isa di pa yata tapos ni mam tekz busy kasi siya with her seminar sa TESDA, at yung dalawa, hindi ko alam, yung isa hindi nagpapakita eh, di pa nga napipirmahan clearance ko. ok nman ang 5 subjects na yun, 1.25, 1.75, at 2 ang marka, not bad diba? yun lang nakayanan eh, hehe... sana sa remaining 3 subjects eh wala akong failed. sa pasukan ko na kukuhanin yun, tutal naman mukhang di ko rin nman makukuha yun kahit na pumunta ako dun, kasi nga wala mga instructor at tsaka wala na akong pamasahe papuntang skul, 20 pesos din yun! kaya sa madaling sabi, last day ko ngayon sa school at next sem na ulit kami magkikita-kita, mukhang mababawasan pa yata kasi madaming titigil kasi wala ng pang tuition, hayz! 6 months nalang eh graduate na kami (sana maka-graduate), masasayang nman kung titigil lang! kami nga din medyo nagigipin na, naghihirap na, hehe! hirap ng buhay dito sa pilipinas! pag ako naka-graduate, migrate agad ako! wahaha... anywayz, kita-kitz nalang tayo guyz next sem, hope to enjoy our last sem sa ating mahal na alma mater, hehe! i will miss you guyz!

==========('',)==========
as update ulit, kanina may nalaman ako! mahirap tanggapin yung sinabi pero kailangan. nalaman ko na kaya lang pala sya bumalik or nagtetext ulit sa akin kasi naaawa lang sya, matagal na pala syang naguguilty at nahihirapan. ang sa akin lang nman eh dapat sinabi nya sa akin na naaawa lang sya sa akin kaya siya bumalik (ilang beses na rin kasi syang umiwas pagkatapos babawiin, ang dahilan nakikita nyang malungkot ako the day after nyang sabihin sa akin yun.) di ba unfair nman sa akin yun, ang alam ko kasi bumalik sya kasi she loves me, hindi pala, nakakadisappoint lang, ang dami ko pang nalaman kanina, kaya nga hindi ko sya pinansin nung pauwi ako at hindi ko na rin sya tine-text. pag-naaalala ko yung mga nalaman ko, it hurts talaga, kasi hindi ko akalain na ganun pala. siguro right time na 'tong sem-break na to 4get what i feel for her, hindi nga sapat yung time na yun pero makakatulong yun para maka-pag move-on na ako. tutal naman yun din nman pala ang plan nya eh, uunahan ko na sya! may promise pa nga syang sinulat "hindi ako iiwas, promise", hindi nman pala tunay, ngayon ko napatunayan ang kasabihan na "PROMISES ARE MENT TO BE BROKEN"... ang for you kung mabasa mo man 'to thank you nalang! ciao


1 Comments:

Blogger kiPay d'lakwatserah c",) said...

kuya you are a certified genius!! hehe...ang tataas ng marka mu ah..ako?di ko pa nakukuha kase di pa ako clear sa cashier, next week pa! huhu..kaya nga baka tumigil na ko..pero pipilitin kong makapasok! mahirap tumigil kaya!

about kay gega..talaga?ganun ba?bat di mu sinasabi saken??hmm..naglilihim ka na ha?!
okei lang yan kuya..kaw kc tigas ng ulo mo! di ka nakikinig! dapat nun pa kaw nag move-on! pero alam kong magiging ok pa din kayo..let's see!!

gonna miss you kuya!!
take care!
baka umuwi na rin ako sa LIPA tom..so baka magleave muna ren ako sa blog..hehe

8:10 PM  

Post a Comment

<< Home